Tsismosa RSS
Bawal Ang Mainggit, Nakamamatay!
Ipinanganak tayong hindi pare-pareho. Sa kulay, itsura, talento, talino at pag-uugali. Hindi rin pantay-pantay ang ating pamumuhay. May mayaman, mayroon din mahirap. May mga taong kilala, mayroon din naman hindi. Masuwerte ka kung ipinanganak kang mayaman. Pero kung ikaw ay pinanganak na mahirap, huwag mong sabihin na malas ka. Kasi gaganda naman ang buhay ng kahit na sino basta magsumikap ka lang. Sa paligid mo ngayon marami kang makikita na hindi maganda. At kabilang na diyan ang pag-uugali ng tao. May mabait, mayroon ding nagbabait-baitan lang. Mayroong akala mo totoo, pero kapag nakaharap ka lang. Kunwari dadamayan ka, pero pag nadapa ka na, iiwanan ka na lang basta. May mga tao talaga na walang ibang magawa kundi pagmasdan ang iyong mga ginagawa. Sundan ka kung saan ka pupunta. Lalo na pag kilala at sikat ka. Akala mo tagahanga mo sila. Pero hindi, kasi kaya ka lang nila sinusundan at pinagmamasdan dahil humahanap sila ng butas at pagkakataon para gawin kang masama. Hindi porke’t mas maganda na ang buhay mo kaysa sa kanya, dahilan na para siraan ka niya. Dito sa mundo, maraming pakialamero at pakialamera. Mga hindi kuntento sa sariling buhay nila. Papasukin pa ang buhay ng iba. Okay sana kung maganda ang pakay nila, pero hindi dahil sisiraan ka. Akala mo totoo siya, kapag nakatalikod ka may sinasabi palang masama. Akala mo, kaibigan mo, maaasahan at mapagkakatiwalaan. Pero kapag wala ka, siya ang bida at inaapak-apakan ka niya nang hindi mo nalalaman. May mga tao na walang alam tignan kundi kung ano ang mayroon ka na wala sila. Kung sino at ano ka, kung nasaan ka na. Magaling magkumpara at magaling magkuwenta. At kapag nakita niya na gumaganda ang buhay mo, sumisikat o kahit ano pa, hihilain ka naman niya pababa. Ayaw niyang maging masaya ka. Ayaw niyang umaangat ka kaya abala siya sa paninira. Bakit kaya ganun ang mga ugali ng inggitero at inggitera? Imbes na magsumikap sila para maabot at marating kung anong mayroon ka, mas gusto nilang siraan ka. Ano bang napapala nila sa paninira? Wala diba? Nagsasayang lang sila ng panahon sa mga bagay na wala namang kuwenta. Kung ginugol na lang sana nila ang mga oras ng paninira nila sa ‘yo sa mas makabuluhang gawain, mas mabuti pa. Lumalala, sumasama. Hindi na maganda para sa mga batang lumalaki at sa mga isisilang pa. Ang ugaling ito ay hindi magandang tularan nila. Kaya habang maaga pa dapat mag-isip-isip ka na. Kung mayroong dapat baguhin sa iyong sarili, baguhin mo na.
Tags
- All
- advice on moving on
- Arrogance
- Arrogant
- attitude
- Bad Company
- Be humble
- Be Yourself
- beach
- Better
- Bitter
- Blog
- Boracay
- BREAK UP
- BREAKING UP
- Breakups
- broken heart
- Business
- Cant move on
- Choice
- Communication
- complaining
- Confidence
- Confident
- Corona Virus
- COVID-19
- Create online store
- Difficult person
- Drama
- dreams
- Earn money online
- Ego
- Entrepreneur
- failed realtionship
- Forever Single
- forgive
- FORGIVENESS
- Free online store
- Freedom
- Friend
- FRIENDSHIP
- Getting over
- happines
- happiness
- Health
- Heart Breaking
- Henann Garden Resort
- Hotel
- how to move on
- Incompetent People
- Inggit
- Inggitira
- Insecurities
- Job advice
- Jobs
- Junrix Monter
- Kaibigan
- Know Your Worth
- Learn To. Say No
- lesson
- let go
- Letting Go
- LIFE
- Life Choices
- Life Problems
- Lifs problems
- love
- LOVE ADVICE
- Love hurts
- Love Yourself
- Loving again
- mantras
- Motivation
- move on
- moving on
- Narcissist
- One Sided Love
- Online Store
- Opinion
- Opinions
- Over come problems
- Overcome
- Overcome problems
- Overcoming
- People Pleaser
- Philippines
- Problems
- Proud
- Real friend
- Reason why you're single
- Regrets
- Relasyon
- RELATIONSHIP
- RELATIONSHIP PROBLEMS
- RELATIONSHIPS
- resolve problems
- Seeking approval
- Self
- Self Respect
- Self worth
- Sensitive
- sex
- shopify
- Single
- Steps to mend a broken heart
- Stop Expecting from others
- Stop Loving Someone
- Struggle
- success
- Time to let go
- Tips
- Today's Word
- Totoong Kaibigan
- Toxic People
- Trials
- Tsismosa
- wealth
- Wrong Person